Thursday, January 20, 2011

Ang Kompyuter


Nakakamangha, napakaganda, isang modernong kagamitang pinaghirapan at pinag-ukulan ng oras ang naging tampulan ng atensyon ng  mga tao sa baryo ng Pilapil.

"Pareng Monitor, tingnan mo at pinagkakaguluhan tayo ng mga tao!" wika ni Mouse. "Oo nga tsong, para tayong mga artista." natatawang sambit ni Monitor. "Teka mga kaibigan, isali ninyo naman ako sa usapan ninyo!"nag-alalburtutong pahayag ni Keyboard. "Ikaw naman, masyado kang matampuhin." wika ni Mouse. "Pabayaan ninyo na si Keyboard, nagtatampo lang naman iyan, teka muna, sino kaya ang maswerteng makabibili sa atin?" mausisang tanong ni Monitor. 

Natigil ang usapan ng tatlo nang may lumapit sa kanilang lalaki. Mataba at masasabi mong hindi maingat lalo na sa sarili dahil hindi pa nakasintas ang mga sintas ng kanyang sapatos. Siya ay si Andy base sa nakita nilang nakasulat sa kwintas nito. "Manong, bibilhin ko na po ito" wika ni Andy at nag-abot ng pera sa matandang kahero. "Sige iho, maiuuwi mo na ang kompyuter na ito" wika ng matandang kahero at mausisang inabot ang bagong-bagong kompyuter.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa isang madilim na silid. Biglang bumukas ang ilaw mula sa itaas at nakita nila ang sangdamakmak na kalat sa loob. Mga medyas na nagkalat kung saan-saan, mga walang laman na bote ng ng softdrinks sa sahig at  mga balat ng titisirya sa ibabaw ng kama. Nakaramdam ng kakaibang takot ang tatlo lalo na ng makita nila ang isang modernong kagamitan na puro lamat na. Siya ay si Cellphone at ilang taon na rin siyang walang sawang ginagamit ng lalaking bumili sa kanila. Kahit na madaling-araw na ay gamit-gamit pa rin siya. Sinabihan sila ni Cellphone na mag-ingat kay Andy dahil wala daw itong pagpapahalaga sa gamit. Nanghilakbot sa kaba ang tatlo dahil sa mga sinabi sa kanila ni Cellphone.

Makaraan ang ilang taon ay halos masira na ang tatlo. Si Monitor ay may "crack" na ang screen, si Mouse ay ganoon din at halos hindi na magamit at si Keyboard nman ay tangal-tangal na ang mga "buttons" niya. Ito ang ngaing resulta ng sobrang paggamit sa kanila. Si Cellphone naman ay hindi na magamit dahil tuluyan na nitong hindi kinaya ang maling paggamit sa kanya na humanting sa pagkasira niya.

"Sobra na siya, wala na siyang tigil sa paggamit sa atin kahit madaling araw na ay walang humpay pa siya sa paggamit sa atin." nag-aalalang pahayag ni Monitor. "Tama ka at kung hindi ito matitigil ay masisira na tayo at mapapagaya na din tayo kay Cellphone!" galit na galit na sambit ni Keyboard. "Ano kaya kung magpanggap tayong sira at hindi na magagamit ng sagayon ay matigil na ang kahibangan ni Andy?" tanong ni Mouse at iyon nga ang ginawa nila.

Nalaman ni Andy na sira na at hindi magamitang kanyang kompyuter kaya mabilis siyang nagbihis at nagtatakbong pumunta sa pinakamalapit na pagawaan ng kompyuter.

Makaraan ang ilang araw ay nagawa na ang kompyuter. Tuwang-tuwa sina Monitor, Mouse at Keyboard dahil parang bagong bago na ulit sila. Lalo na silang nagalak nang hindi na sila binalikan ni Andy. Napag-alaman nilang nalubog sa utang si Andy dahil sa sobrang laki ng utang niya sa kuryente. Ngayon ay nasa magandang pangangalaga na ang tatlo na hindi man lang nagawa ng bumili sa kanila noong una pa lamang.

No comments:

Post a Comment